In this page lies my bulletins in friendster about facebook. Once again, these posts are for entertainment purposes only and should not influence people by any means.
Facebook part 3
ayan, dumadami na po ang "pa-add sa facebook" people. Pakiramdam po nila eh maiiwan sila ng ibang tao at mawawala sa uso pag wala silang facebook. Pero cool nga naman diba? pwede kang mag-alaga ng hayop, magtayo ka ng sarili mong karinderya, maging isang miyembro ng mafia at kung ano ano pa. cool diba? except for one thing, MUKHA LANG KAYONG TANGA.
bato bato sa langit, ang tamaan bullshit. ^^
====================================================================
Facebook part 4
ika-apat na yugto na po ng aking laban kontra peysbuk, at wala po akong balak ihinto ito hangga't maraming "pa-add" people.^^
Ngayong araw, 4 na feedback ang aking natanggap. 3 disagree sakin at 1 agree. ATLEAST may nag-aagree pa rin diba? Hangga't hindi ko nasusugpo ang korapsyon(ampotaness, korapsyon talaga eh no. amp) na dulot ng "Mukhang Libro" a.k.a "Facebook", hindi ako titigil sa protestang aking ginagawa.
Kung ikaw ay sang-ayon sa aking mga ideya, kuru-kuro o opinyon, magpadala ka lamang sa akin ng pribadong mensahe.
Tayo'y magasama sama at magkaisa tulad ng pagkakaisa nang sambayanang
pilipino noong si marcos ay pinatalsik sa kanyang inuupuang posisyon.
FIGHT PA-ADD! FIGHT MUKHANG LIBRO aka FACEBOOK!!!!
(this is not a paid advertisement. lol)
====================================================================
Facebook part 5
Ako po ay lubos na nagagalak sa mga ideya at opinyon ng mga taong, katulad ko, ay asar sa facebook. Patuloy po sana ang inyong suporta sa aking layunin na sugpuin ang "pa-add" people. ^^
Ang katotohanan ay, hindi naman ako naaasar sa peysbook. naasar lang ako sa mga tao na ang hilig hilig magpa-add sa peysbook. Nakakairita diba? gagamitin pa nila ang supremong "prendster" para dumami ang kanilang ka-ututang dila sa peysbook, ung mga taong magpapakalat ng messages sa friendster na "add me on PEYSBOOK". Nakakairita talaga, ginagamit ang prendster para sa kanilang pansariling kapakanan. Ang nangyayari tuloy ay parang niyaya ni willie revillame ang mga tao na manuod ng Eat Bulaga, para kang lumayas sa dati mong bahay at nagyaya ng sasama sayo.
Isa pang nakakaasar na katotohanan. Bakit ba sila nagsi-lipatan sa "Mukhang libro"?
Hindi ba't para maki-uso lang kasi ang dami daming artista na may account sa peysbook?
anong feeling nyo, magiging ka-close nyo ung artista na yon pag may peysbook kayo? ulul. ISA KAYONG MALAKING "CHECK"!!!
Once again, i have nothing against facebook. It's just that those "pa-add people" are so inconsiderate. If one of you guys are with me, send me a private message. anong malay natin, mai-akyat natin sa korte tong kaso na to at maipasara ang facebook diba? o di kaya ay maipakulong ang mga "pa-add people" na ito na ginagamit ang prendster at iba pang online social community para lang dumami ang kanilang prends sa facebook. malay lang natin.
Uli uli: "Bato bato sa langit, ang tamaan bullshit na malagkit. ^^"
====================================================================
Facebook part 6
Sabihin niyo kung tama ako o mali:
Imagine yourself living in a house kung saan kasundo mo lahat at kaibigan mo at mga kapit bahay mo. Then one day, naisipan mo na lang bigla na lumipat na bahay sa hindi maipaliwanag na dahilan. Let's say, para maki-uso. So ayun, lumipat ka na ng ibang neighborhood diba. Tama ba na yayain mo ung mga kaibigan at kasundo mo sa lumang neighborhood na sumama sa bagong lugar kung saan ka lumipat? Napaka non-sense diba? kung lumipat ka ng kusa at dahil nakikiuso ka lang, maghanap ka ng bagong kaibigan, kasi iniwan mo na ung dati mong kaibigan eh.
Parang facebook at friendster. Kung lilipat rin lang sa facebook, edi maghanap ka na ng bagong friends! Hindi ung uubusin mo ung mga tao sa friendster, kasi iniwan mo na sila eh. Iniwan mo tapos ngayon magpapa-add add ka. Walang wala yung logic eh. That's BS!!!
Another thing is that, sinasabi nila na luma na ang friendster, inaamag na ang friendster, kulang na raw ay ibenta ito sa antique shop sa sobrang kalumaan. Hindi niyo ba alam na roughly 2 or 3 years lang ang pagitan ng founding date ng friendster at facebook? tsk tsk.
So para sa mga "pa-add" people, kung lilipat kayo ng bahay, maghanap na rin kayo ng bagong mga kaibigan dun. okay? alright. Alam kong mas masaya at mas maraming nagagawa sa peysbook, pero friendster ang pinagmulan ng lahat tandaan niyo. Friendster ang roots ko, so i'm sticking with it. ^^
Once again, i have nothing against facebook. Ang sakit lang sa mukha nung mga nababasa ko na "pa-add naman sa facebook" using friendster. okay lang sana kung mga organizations kayo like bands, etc. eh hindi eh. nakakakupal lang. opinion ko lang naman to. ^^
"Bato bato sa langit, ang tamaan bullshit.^^ "
====================================================================
FACEBOOK part 7
"Buy Me"
Since time immemorial,marami tayong bagay na itinago upang mapanatili ang ala-ala na kalakip nito tulad ng selpown, lab letter, kahit nga ung wrapper ng candy na bigay sayo ng siyota mo eh tinatago mo pa. pero sa kabila ng lahat ng mga ito, isang bagay ang hindi natin itinatapon at habang buhay nating pinoprotektahan at inaalagaan, at yan ay ang "prendship".
Sa dinami-dami ng taong nakilala natin, hindi lahat yun ay ating naging kaibigan. Hindi lahat ng iyon ay sinamahan ka sa quiapo para bumili ng cortal, magpagawa ng grades at pekeng resibo sa recto, pautangin ka dahil naipang-sugal mo ang tuition mo, at higit sa lahat, hindi lahat ng taong nakilala mo ay naiintindihan ang pagkatao. Maliban sa sarili mo, mga kaibigan mo lang ang tanging nakakaintindi ng HALOS buong pagkatao mo. Alam niya ang amoy ng utot mo, alam niya ang tunog ng hilik mo, at dinadamayan tuwing binabasted ka ng babaeng type mo. Dahil dito, ang prendship ay isa sa mga bagay na pinaka-inaalagaan natin, dahil hindi tayo mabubuhay ng walang kaibigan.
Siguro ay nagtataka kayo kung anong koneksyon ng "importance of friendship" sa facebook. MALAKI ho ang koneksyon!!! Dahil sa isang application ng facebook na "Friends for Sale!".
Dahil sa apps na ito, nawalan ng saysay ang pagkakaibigan!! Nagugulat na lang ako sa classroom nang biglang sasabihin sakin ng kaklase kong hindi ko ka-close na "may FB ka? BILIN MO KO!!!"And i was like "WTF!? Kabili bili ka ba!?" Saan ka nama nakakita ng taong ibinebenta ang kanilang kaibigan? Napaka-halang ng bituka ng taong ito kung ganun!!!! Kung ako nga eh nag-sasakripisyo upang mapanatili ang prendship ko sa iba eh. Tapos ung mga "pa-add" people naman na yan eh nagbebenta pa ng kaibigan!!! Nakapansusulasok at nakapanririmarim
po ang mga ganitong katiwalian mga kaibigan!!! Ang mga ganitong klase ng tao ay walang puwang sa mundo!!! Dapat talagang ubusin na ang lahi ng mga pa-add people na to!!!
==hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa-add" people lang==
*Ang inyo pong nababasa ay hindi siryoso, at trip trip lang ng isang taong walang magawa tulad ko.
Kung ikaw ay naaapektuhan, wag ka na lang magbasa. Alam ko, guilty pleasure mo na ang pagbabasa nito. ^^"
"bato bato sa lang, ang tamaan bullshit"
====================================================================
FACEBOOK part 8
"Balimbing: Walang Dating"
Noong nakaraan ay naka-chat ko ang kaibigan. Itago na lang natin siya sa pangalan na "Johnny Craig". Si Johnny Craig ay isa sa mga taong bumabasa ng aking mga post tunkol sa facebook. Eto ang kwento niya sakin...
Meron daw siyang mga kaibigan na nasa friend list niya dito sa friendster. Matagal na din daw silang active sa friendster. Nag-ccomment, nagmmessage, at kung anu-ano pa. Sa madaling salita, naging tulay ang friendster upang sila ay magkaroon ng komunikasyon. Isang araw (hindi dalawa) daw ay bigla na lang nagsigawaan ang mga kaibigan ni johnny craig ng, guess what, FACEBOOK!!!
At eto no, sinisiraan pa daw ang friendster. sinasabing bulok na ang friendster, walang kwenta at kung anu-ano pang mga salitang kasing anghang ng siling labuyo, at hindi na rin nag-aactive sa friendster.
Gulat ni aking kaibigan na halos isang buwan na ang lumilipas ay wala pa rin daw PICTURE ANG MGA LOKO!!!! Bakit kayo ng facebook? para ano? siyempre makiuso!! Pero sana kung makikiuso kayo, sana wag nyong ipahaltang aanga-anga kayo to the point na isang buwan ng default at stock ang mga account niyo. ampangit!!! Lumipat para makiuso, wala namang sapat at nauukol na kaalaman!! Tsk tsk tsk.
Pero siguro ngayon meron na sila, aba malay ko. Naisipan ko lang naman ikwento ung mga nakakairitang karanasan ng aking mga kaibigan, tulad ni johnny craig, sa facebook eh.
= Ang inyong nabasa at strictly for entertainment purposes only. Kung naiinis kayo sakin, sa barangay kayo magreklamo!
Kung natutuwa kayo, ayos yan. =
*hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa add" people lang"
====================================================================
FACEBOOK part 9
"Online Tamagotchi"
Noong Mil nuebe siyentos nobenta y seis or 1996, isang japanese na nagngangalang aki maita ang nagsabing "Badtrip!! bawal ang hayop sa bahay! kung gumawa kaya ako ng digital pet?".
At ayon, ipinanganak po ang TAMAGOTCHI. Isang handheld device kung saan ikaw ay maaaring mag-alaga ng hayop. maaari mo itong pakainin, pwede ka ring makipaglaro dito, maglinis ng ebak nito, at kung anu anu pang kahayupan. Dumaan ang panahon at, tulad ng ibang bagay, ito ay nawala sa uso.
Sa mga lumipas na panahon, dito na po sumibol ang PET SOCIETY na nilalaro ng mga taong MUKHANG LIBRO or members ng PEYSBUK. Parehong pareho po ito ng konsepto ng tamagotchi. Magaalaga ka ng hayop, papakainin mo ito, etc. Ang pinagkaiba lang eh, ito ay NALALARO SA PEYSBUK!!!! Nako, eto na naman ang nakakaasar na parte. nilalaro ang nakalipas dahil ito ay nasa facebook, para maging "in". Bakit hindi kayo bumili ng Tamagotchi? hindi ba't mas makakatipid kayo? Ilang taon na ang nakakalipas nung huli akong makakita ng
tamagotchi, at ito ay nagkakahalagang Limaan Daang Piso (P500), Mahal kung iyong titignan diba? pero isipin natin, kung sa PEYSBUK tayo maglalaro ng pet society na parang tamagotchi, hindi ba't mas makakamahal tayo? Lalo na pag tayo ay may sariling computer sa bahay!!
Eto ang mga halaga na pwedeng pag basehan:
Internet connection = P800 (cheap na to) or kung dial up ka ay may P100 na presyo.
Kuryente = MAHAL!!! Depende pa sa power supply ng pc mo. mroe watts, mas magastos
Computer = P12,000 ang pnakamurang magandang klase ng kompyuter na aking narinig. (price may vary).
Hindi ba mga kaibigan? Gagastos ka ng kulang kulang P15,000 Para lang makapagalaga ng hayop sa peysbuk samantalang pwede ka naman bumili ng TAMAGOTCHI na wala pa sa 1/4 ang presyo!! Sus ginoo mga kaprenster, Napaka illogical!! AN ABHORRENT ATTITUDE!!! Dapat sa mga taong to ay isaksak ang kanilang mga pet sa kanilang mga sumbong!!!!
= Ang inyong nabasa at strictly for entertainment purposes only. Kung naiinis kayo sakin, sa barangay kayo magreklamo!
Kung natutuwa kayo, ayos yan. =
*hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa add" people lang*
====================================================================
FACEBOOK part 10
"Virtual Karinderya"
Personally, i love eating. Sino ba namang hindi? siguro kung kakilala mo ko, or kung nakita mo na ko, malalaman mo kung bakit mahal na mahal ko ang pagkain. hahaha.
Balak ko sanang mag HRM for college, pero naisip ko na hindi pwedeng kain lang ng kain, dapat marunong ka rin pala magluto.
Ngayon, marami akong tropa na HRM or Culinary arts ang course. ang cool kasi pwede sila maging chef one day. Ang worst nightmare lang ng isang HRM or CA student ay maging UNDERemployed at bumagsak sa pagpapatakbo ng isang karinderya. ang saklap no? HRM graduate ka, tapos bumagsak ka lang sa pagluluto para sa karinderya.
Alam mo kung anong mas malala sa isang HRM student na karidenrya owner ang kinalabasan? Edi ang mga HRM student graduate na hindi naging successful at sa CAFE WORLD
and RESTAURANT CITY umaasa! Nako! Dahil sa larong ito sa facebook, nagiging mediocre ang fresh grads ng nasabing courses!!! Imbis na sabihin nilang "Dahil graduate na ko, magtatayo na akong sarili kong restawran!!!", ang sinasabi nila ay "Ayoko nang magtayo ng restawran, masyadong mahirap. Restawran seetee na lang. madali pa".
NAKOOO POOO!!!! Humihinto ang pangarap ng mga kabataang may kinabukasan dahil sa facebook!!! Imbis na umangat ang karir, hinahatak pa ito ng facebook PABABA (lowered? haha)!!!! 50 years from now ay wala nang makakainan ang sangkatauhan dahil ang lahat ng may potential at kaalaman sa pagluluto ay sa restawran seetee na mahuhumaling!!! KAYA IBAGSAK ANG PEYSBOOK!!!
= Ang inyong nabasa at strictly for entertainment purposes only. Kung naiinis kayo sakin, sa barangay kayo magreklamo!
Kung natutuwa kayo, ayos yan. =
*hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa add" people lang*
====================================================================
FACEBOOK part 11
"Magtanim ay hindi biro"
Ang Pilipinas ay mayroong 32% na lupang pang-agrikultura. ang mga lupang ito ay mainam na taniman ng gulay at lalo na ng bigas.
Dahil ang mga pilipino ay kilala sa pagiging "Rice Eater", kelangang kelangan natin ang ang bigas, at ang magsasaka. Pero kahit malaki ang kontribusyon ng mga magsasaka, meron ba kahit isa sa inyo na nangarap maging magasasaka pag-tanda nyo?
Ang sagot dyan ay WALA!!! Wala dahil lahat tayo ay gusto ng trabaho na mataas ang sweldo, ng business na malaki ang kita! Pero dahil sa larong PARMBEEL sa PEYSBOOK, buambaba ang pangarap ng bawat pilipinong may maliwanag na kinabukasan at nagiging mediocre din tulad ng RESTO CITY!!!! Imbis na maging isang doctor o lawyer, mas gusto nilang magtanim ng magtanim sa PARMBEEL!!! Diyos mio por favor!!!!! Walang wala na talagang ginawang mabuti ang PEYSBOOK na yan!!!!! Hinahatak ang ating mga kabataan pababa!!!! Ang dapat sa mga taong ito ay budburan ng paminta ng mata, hiwain ng blade ang balat at lagyan ng suka, sileng labuyo at SUKA!!!!
= Ang inyong nabasa at strictly for entertainment purposes only. Kung naiinis kayo sakin, sa barangay kayo magreklamo!
Kung natutuwa kayo, ayos yan. =
*hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa add" people lang*
====================================================================
~~im back! tagal ko hindi naka pag post ah. hahaha.~~
FACEBOOK part 12
title : "Snoop Dong"
A gang is a group of people who, through the organization, formation, and establishment of an assemblage, share a common identity.
In current usage it typically denotes a criminal organization or else a criminal affiliation. In early usage, the word gang referred to a group of workmen. The word gang often carries a negative connotation; however, within a gang which defines itself in opposition to mainstream norms, members may adopt the phrase as a statement of identity or defiance. Reports of gang-related homicides are concentrated mostly in the largest cities in the United States, where there are long-standing and persistent gang problems and a greater number of documented gang members—most of whom are identified by law enforcement. (http://en.wikipedia.org/wiki/Gang/ 12-28-09)
Ayon sa mga tekstong nakasulat sa ibabaw, ang tunay na ibig sabihin ng gang ay grupo ng tao na pare-pareho ng layunin. Munit nung umusbong ang mga criminal gang tulad ng TBS ay nagiba na ng meaning nito. Ilan pa sa mga kaparehong gang ay ang bloods, crips, ms-13, 18th street gang, at kung ano ano pa. Ang mga gang na ito ay walang ginagawang matino. Sila ay nagnanakaw, nang-gagahasa, pumapatay at kung anu ano pang gawaing kontra sa batas. At dahil dito, ang mga ka-pulisan ay alerto bente kwatro upang masugpo at masupil ang mga nasabing grupo.
Malamang nagtataka kayo kung bakit ko nasabi ang mga bagay na to. Ito ay sa kadahilanan na ang PEYSBUK ay TINUTURUAN ANG MGA TAO, LALO NA ANG MGA KABATAAN, NA MAGING PARTE NG GANG!!!! THIS IS PREPOSTEROUS(ano daw? haha)!!!! Sobrang maling mali na ang ginagawa ng peysbuk na yan. Habang ang mga pulis ay nagpapakahirap na supilin ang mga gang at pangaralan ang mga kabataan na umiwas sa mga gang, ang peysbuk naman ay tuwang tuwa dahil maraming naglalaro ng kanilang MAFIA WARS na APPLICATION!!!
Ngayon, sabihin niyo sakin. Tama Ba ito? Tama bang Turuan ang mga tao na magnakaw? Hindi, diba? Walang wala sa hulog!! Ang dapat gawin sa mga taong nakaisip ng larong ito ay tanggalin ang kuko, i-deep fry ang mga ito, ipakain sa kanila, at paglabas nito sa pwet
ay ipakain uli sa kanila!! Kahit saang anggulo tignan ay mali! Kung tutuusin nga ay kulang pa ang kamatayan! ika-nga ni robin padilla "TARANTADO KA MINU-MINUTO!" Dahil puro nga naman katarantaduhan ang itinuturo ng FB na ito!!
= Ang inyong nabasa at strictly for entertainment purposes only. Kung naiinis kayo sakin, sa barangay kayo magreklamo!
Kung natutuwa kayo, ayos yan. =
*hindi ako galit sa facebook, sa mga "pa add" people lang (idagdag mo na ang applications nila. ^^)*